Sapat Na.
11:36 PM
Walang
ibang laman.
Basta..
‘Sapat’ lang.
Sapat
nang malaman kong ika’y nakangiti na.
Sapat
nang ramdam kong sa puso mo, ako pa rin ang may suot ng korona.
Sapat
nang ‘pag kausap mo e sa aki’y mas maganda, alam kong mukha at kilos ko pa rin
ang nakikita mo sa kanila.
Sapat
nang alam kong tuwing gabi, pag ika’y matutulog na, ako ang laman ng iyong mga ‘sana.’
Sapat nang
sa huli, magmahal ka man ng iba, alam kong ako pa rin ang ‘pinaka’.
Sapat
nang dalawin ka ng aking mga ala-ala sa tuwing nag-aabang ang puso mo na
magkaroon ng kapareha.
Sapat
nang sa iyong mga panalangin, ako’y kasama.
Sapat
nang hindi man kita maabot o mahagkan, alam kong ang puso’t isip mo’y ako pa
rin ang laman.
Ikaw, sa isip at puso ko, hindi man mahagkan ng mga bisig ko, ay sapat na.
0 comments