Isang Araw Sa Buhay Ng Isang Patay

9:07 PM

Sa kabila ng lahat ng pwedeng maranasan ng isang tao sa kanyang makabuluhan at magulong buhay ay mayroon talagang iilang mga araw na gigising kang walang laman.

Walang laman.

Blangko.

Walang maiuukit na mga salita sa isip mo. Walang makikita ang mga mata mong lunod na lunod sa mga luhang hindi mo alam kung kalian nga ba mauubos. Walang mapipiga ang mga kamay mong gawin kundi punasan ang mga luhang iyon at biglang maipag-didikit ang iyong mga palad upang magdasal. Walang ititibok ang puso mo kundi kirot. Kirot na abot hanggang kalamnan. Kirot na aakyat muli sa lalamunan. Kirot na gusto mong iduwal.

Pero wala kang laman.

Ika’y upos na upos.

Ano ang iduduwal mo kung wala ka ngang laman?

Patay ka. Patay na patay. Mula ulo hanggang paa. Patay ka.

Blangko.

Lilipas ang isang araw.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Pitumpu’t pito.

Pitumpu’t itong araw na ang lumipas.

Wala ka pa ring laman.

Blangko.

Walang maiuukit na mga salita sa isip mo. Walang makikita ang mga mata mong lunod na lunod sa mga luhang hindi mo alam kung kalian nga ba mauubos. Walang mapipiga ang mga kamay mong gawin kundi punasan ang mga luhang iyon at biglang maipag-didikit ang iyong mga palad upang magdasal. Walang ititibok ang puso mo kundi kirot. Kirot na abot hanggang kalamnan. Kirot na aakyat muli sa lalamunan. Kirot na gusto mong iduwal.

Walang laman.

Ika’y upos na upos.

Blangko.


Bukas, isang araw na namang muli ang haharapin ng isang patay.

You Might Also Like

0 comments